Wednesday, December 8, 2010

Green Eyed Monster



weird. bigla ako naging seloso.

ewan. dati naman, ok lang. dati naiintindihan ko. ngaun bakit lahat na lng napapansin ko. ung pagsama ng mga kaibigan ko. mga text. mga exchanges ng private messages. mga comment sa facebook, etc. siguro the fact na halos lahat ng bagay e nakuha sa akin these past few months ayaw ko ng may kumuha pa ng kung anong natitira sa akin. ayaw kong makuha pa kung ano ang unti unti kong binubuo.

ang aking sarili

Saturday, November 27, 2010

The Banchetto Files

Banchetto file #1Photobucket
sa kakahanap mo ng gusto mo, baka hindi mo alam, nalampasan mo na pala ang talagang para sa iyo


Banchetto file #2
bakit ngayon ka pa nakita kung kailan may hawak hawak na mga kamay ko?

Banchetto file #3
kanina, hindi mo sya pinapansin,dinadaan daanan mo lang. ngayon nagsisi ka kung kailan may nakakuha ng iba


Banchetto file #4

hayaan mo na, panigurado, makakahanap ka rin ng para sa iyo, marami naman dyang iba e, ung tipong magbibigay ng tunay na kaligayahan sa iyo

Banchetto file #5
sa gitna ng madaming tao, sa gitna ng masikip na daan, worth it ba? or time to let go and move on?


**************************
hahaha lakas ng trip! lol =) good food! good company! good times! =)

Tuesday, November 23, 2010

Thursday, October 21, 2010

bente singko

25 years. grabe 25 years na ako. silver anniversary ko na sa mundong ibabaw.

iba na ang feeling. nde na talga ako bata. matanda na tlga ako. iba na takbo ng utak ko. iba na ang pinagtutuunan ko ng pansin (?) hehehe pero kakaiba tlga. this year, is a year of break down for me. etong taon tlga ako binasag at diniruog. ayan ang parusang nagpapanggap sa pangalang med school, problema sa utak, sa puso, sa atay, kidney, balon balunan etc dinaig pa ang pagtake ng patho, pedia, micro, pharma etc na 1000 items right minus wrong in 30 mins. ang huminga panget. I really felt how weak i am pagdating sa trabaho, sa school, sa relationship, sa temptation. naramdaman ko ang pagiging walang kwenta ko palang tao. ung tipong at the end of the day, wala talga akong maipagmamalaki. walanag wala

pero sa gitna ng mga bagay na yan, sa gitna ng aking kahinaan, i felt stronger, more than ever. lalo akonng pinare-remind ni Lord kung gaano nya ako hindi pinapabyaan sa gitna ng mga challenges na ito. Last year, tanda ka pa noon, isa ako sa mga tinamaan ng kalokohan ni bagyong Ondoy noon. Since then, it has been my prayer that GOd may manifest in my life. marahil nga eto na nga ung talgang prayer ko. isang taon na kalkohan din hehehe pero ang nakaktuwa, sa gitna ng lahat hindi pa rin ako natitinag. mas lalo akong lumalakas. eto na nga marahil ung sinasabing stronger in the Lord. masaya ako. maraming gulo along the way but as of this writing, i can say na masaya ako. honestly, masaya ako.

malayo layo pa ang tatahakin ko. actually, little by little i'm rediscovering myself. which is good. i realized how much I missed my old self. lagi kong sinasabing nami-miss ko ang dating si ako. pero come to think of it, wala naman talgang pumipigil na maging ako e. ako pa rin ang dati. ibang level na nga lang siguro pero ako pa rin eto e. un nga marahil ang kulang sa akin ngaun. ang muling pagkilala sa akin muli.

Monday, April 26, 2010

Alpha

Pinanganak 22 araw at 4 na buwan bago naganap ang unang EDSA. Unang naging guro ang kanyang pamilya kung saan sya natuto magsalita ng MAMA, PAPA at Putang INA....ay nde pa pala..masyadong fast forward...rewind...hayun, balik tau sa kwento

Nag-aral sa Baesa Learning Center noong 2 taong gulang. Dito natuto syang magbasa, magsulat, mag ikot ng factory ng Royal Tru Orange, at magpanggap na baby Jesus sa kauna unahan niyang Stage Play kung saan sya ay naka...[picture baby jesus in a manger here].

Matapos maka "graduate" napagdesisyunan na ipatapon sa Gregorio Araneta University Foundation na ngaun ay nagpapanggap sa pangalang De La Salle-ARaneta University. Susie at Geno, Pinanood ang Titanic at Wizard of Oz, kumanta ng "CAn you feel the love Tongiht", napakanta sa stage ng Christmas Carol, gumanap na Leon sa isang play. Matapos ang 1080 na morning programs, 16 beses pagakyat ng stage upang kumuha ng award, 6 na Christmas parties nakatapos at nakatuntong ng High School

International Philippine School in Riyadh. Public Private school. Hell daw ang IP...COOL! All boys. Nagtake ng Special arabic class nung 1st year, nakapanood ng porn "legally" nung 2nd year, nalaman ang salitang dysmenorrhea dahil coED na nung 3rd year, at naging SCO president ng 4th year. Naglaro ng Virus virus, Nakipag habulan kay Mr. Bacaraman, JS Proms, nakipag away dahil sa crush, inaway dahil sa crush. Aladin at Flerida, Rizal, mga bumuhay nung panahon ng high school

Pumasok sa unibersidad na may hubad sa taft, manila nung college at kumuha ng kursong nde niya malaman kung ano. ASTEEG. Matapos ang 1 taon, naging katuta at ngaun ay bumalik sa pamantasan ni Imang at kumuha ng kursong nde masyado in demand. Ngayon sya ay nage-enjoy sa kanyang sem break, nagpapalaki ng eyebags at nagmi-middle age crisis habang naghahanap ng raket upang makapag pa lipo at bumili ng XDA atom. Isa lang ang msasabi niya sa mga tao: "I have TWO words for you..ANG LABO NIO =P

Sunday, April 25, 2010

"...coz light years from now,
they'll find it somehow,
coz it's beautiful out there..."