okay. adik na ako sa cityville. ung game sa facebook where you can build your own city. puede magtayo ng bahay, buildings, at kung ano ano pa. puede nga din park e. basta may available kang supplies and energy, you can build anything! =)
yun nga lang, every time you build something, magco-consume ka ng supplies and energy.unti unting maubos ang resources mo hanggang sa wala na. puede ka namang mag "harvest" ng supplies e from your own farm, yun nga lang, medyo may katagalan. madalas nagkukulang. puede ka rin namang bumili ng energy. kaya lang hassle. magastos. mabuti na lang puede kang "bumisita" sa mga neighbors mo at makakakuha ka na ng bonus energy. puede ring manghingi ng supplies. nde kailangang mag intay, walang bayad at walang kapagod pagod. ASTEEG!
Kadalasan, sa sobrang hectic at challenging ng buhay natin, sobrang nakakwalan na ng energy. nakakawala na rin ng supplies. pero sa panahon na iniisip mong nde mo na kaya, isipin lang natin na andyan ang mga kaibigan at taong nagmamahal na handang dumamay sa atin. magbigay ng energy kumbaga. pero higit sa mga kaibigan at mga nagmamahal sayo, napaka comforting na isipin na meron kang Amang malalapitan anytime. Hinding hindi mauubusan ng supplies at energy at lalong hinding hindi mapapagod na magmahal sa iyo at sa akin. dahil "For those who hope in the Lorw will renew their strength. They will soar on wings like eagles; they will run and not grow weary, they will walk and not be faint" [Is40:31] o di ba mas ASTEEG =)
Wednesday, February 16, 2011
The Cityville Promise
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment