Thursday, November 24, 2011

Uber Late Birthday Post

rock. hard. bible. God. Peter

"..Peter, be strong. Things may be hard. and it will be harder. But then, the God of Abraham, Jacob and Isaac has always been faithful to you. And He will always be and He'll be with you until His promise to you is complete."

Ewan ko ba, eto dating sa akin ng mga signs na ginagawa ng teacher namin habang tinuturo nya ang sign name ko . Saktong birthday ko lang din nung araw na yun nung dumalaw sila sa class upang magturo ng sign language. saktong kilala ko pang "artista" na lumabas sa isang indie film ang magtuturo sa group namin. saktong kaka-renew ko lang ng license ko sa nursing. Saktong mensahe lang:

tamang encouragement lang kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay sa buhay ko. saktong assurance lang na kahit ano pang dumating sa buhay ko, panigurado, may isang Diyos na may plano, at hindi lang basta plano, magandang plano para sa akin. ang maganda pa dyan, nakakatuwa, God has been faithful to me these past few years. sakto. un siguro lang masasabi ko. walang patid. minsan hindi ko maintindihan pero kahit kailan never Syang nag fail na punuan ang kulang. laging may back up. laging may "ah kaya pala" moment. asteeg. Ngayon ko pa ba ku-question-in Sya?

at dahil sa isasabay ko na rin to sa "thanksgiving" post ko, gusto ko lang magpasalamat sa mga taong parte ng buhay. mga asteeg kayo. hindi ko alam kung hanggang kailan na lng tayo magkikita. pero sana sa pagsasamaa natin naramdaman nio kung gaano kayo kahalaga sa akin.

salamat din pala sa moonleaf st. thomas square branch kasi binigyan nila ako ng libreng pang sine hehehe complimentary cinema tickets sa SM =)

indie film actor pala nagturo sa amin ng sign language. panoorin ninyo pelikula ni Romalita Mallari, yung "Dinig Sana Kita". Feeling ko tinatawag akong film e. pangarap kong gumawa ng pelikula or kahit short film man lang balang araw

Salamat sa pagkakataong naging bahagi ako ng buhay ninyo. sana maging meaningful pa lalo ang pagasama natin sa buhay. mabilis lang ang buhay e. ang importante alam mo kung ano ang mas mahalaga para sayo.

Happy 26th orbit to me!! lapit na akong mawala sa kalendaryo! hahaha =))

1 comment:

  1. Ang tagal mo pa mawawala sa kalendaryo kuya! Hahaha. Isang maligayang belated! THanks so much! Di pala kita nabati. :)

    ReplyDelete